Junnel Gundayao MCT-2A
Unang Babaing naging Chief justice sa Pilipinas
Nagdaos ng isang press conference si Chief Justice Ma.
Lourdes Sereno noong Agosto 28, 2013 sa De La Salle University sa
Manila. Ito ang kauna unahang pagharap ng Chief Justice sa medya mula ng siya
ay maupo sa pwesto.
Si Chief
Justice Ma. Lourdes Sereno ang kauna
unahang babaing naging chief justice dito sa ating bansa. Siya ay inihalal ng
ating Pangulong Benigno Aquino noong nakaraang Agosto 16, 2012. Isang taon pa
lang sa panunungkulan ang ating chief justice. Ayon kay Sereno, siya ay totoong
independente sa humalal sa kanya na si Pnoy.
Maraming
dumalo sa unang press conference ng ating chief justice, kabilang na dito ang
mga piling grupo ng mga medya at mga abogado para makapagtanong tungkol sa isyu
na may kaugnayan sa kanyang propesyon. Maraming tinalakay ang ating chief justice.
Pinasimulan niya ito sa
pagbati sa mga dumalo. Sa kanyang pambungad na pananalita ay sinabi niya na ang
press conference ay bahagi ng pagtugon sa mataas na korte para sa kalinawan ng
Korte Suprema. Inilahad ni Sereno na, ito na ang panahon para baguhin ang imahe
ng ating hudikatura sa paglalahad ng mga opinyon ng wala pang malinaw na
ebidensya. At dagdag pa ni Sereno, gusto niya na magkaroon ng bahagi ang
publiko sa pagpapaunlad ng hudikatura.
Sa pagtatapos ng kanyang
pananalita ay tumanggap siya ng mga katanungan mula sa mga kabilang sa media
panel. Naging maayos naman ang pagtugon ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa
mga katanungan.(straight news)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento