JUNNEL GUNDAYAO MCT-2A
ISKOLAR
ISKOLAR
Isa sa mga hinahabol ngayon ng mga
mag-aaral lalong lalo na ang mga mahihirap na gustong makapagtapos sa kanilang
pag-aaral ay ang mapabilang sa pagiging iskolar. Ano nga ba ang iskolar? Bakit
maraming mga mag-aaral ang naghahangad
na mapabilang dito? Ano nga ba ang pakinabang na maiidulot nito sa mga
mag-aaral?
Ang salitang iskolar ay may malawak
na kahulugan. Pero para sakin, higit pa
sa malawak ang kahulugan nito. Higit pa sa salitang maraming kahulugan. Dahil
ang salitang ito? Ay nagbigay ng magandang kahulugan sa aking buhay. Di lamang
sakin kundi sa iba rin. Ang pagiging isang ganito ay nanganaghulugan nagbibigay
pag-asa sa bawat isa.
Marami sa mga kabataang mangangaral ngayon ang
nag-aasam na mapabilang sa pagiging
iskolar. Dahil ang mapabilang sa pagiging iskolar ay nagbibigay ng malaking
kapakinabangan sa isang mag-aaral na kagaya ko. Hindi lang sa mga mag-aaral
nagbibigay ito ng pakinabang pati na rin sa ating mga magulang. Malaking
kaginhawaan ang naiidulot nito sa bawat magulang na mayroong iskolar na anak.
Bukod sa bawas gastos ay nagbibigay pa ito ng inspirasyon sa bawat isang
iskolar na magpursige sa kanilang
pag-aaral.
Pero ang pagiging iskolar ay may
kaakibat na responsibilidad, nanganagilangan ito ng disiplina sa sarili.
ISKOLAR. Matunog sa marami, kaunti ang nakakakamit. Ang
salitang ito ay may malaki ding pakinabang. Napakagaling hindi ba? May
kahulugan na nga, may pakinabang pa. At meron pa itong, importansya. Sa bawat
mag-aaral na napapabilang sa pagiging iskolar ay ating pagbutihin at huwag
nating sayangin ang pagkakataong magkaroon ng ganitong biyaya.Kaya ating
pasikapang mapanindigan ang pagkakabit sa ating pagkatao ang pagiging iskolar.
(FEATURED News)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento