Biyernes, Setyembre 6, 2013

Unang Babaing naging Chief justice sa Pilipinas

Junnel Gundayao MCT-2A




Unang Babaing naging Chief justice sa Pilipinas

                Nagdaos ng isang press conference si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong Agosto 28, 2013 sa  De La Salle University sa Manila. Ito ang kauna unahang pagharap ng Chief Justice sa medya mula ng siya ay maupo sa pwesto.
            Si Chief Justice  Ma. Lourdes Sereno ang kauna unahang babaing naging chief justice dito sa ating bansa. Siya ay inihalal ng ating Pangulong Benigno Aquino noong nakaraang Agosto 16, 2012. Isang taon pa lang sa panunungkulan ang ating chief justice. Ayon kay Sereno, siya ay totoong independente sa humalal sa kanya na si Pnoy.
            Maraming dumalo sa unang press conference ng ating chief justice, kabilang na dito ang mga piling grupo ng mga medya at mga abogado para makapagtanong tungkol sa isyu na may kaugnayan sa kanyang propesyon. Maraming tinalakay  ang ating chief justice.
Pinasimulan niya ito sa pagbati sa mga dumalo. Sa kanyang pambungad na pananalita ay sinabi niya na ang press conference ay bahagi ng pagtugon sa mataas na korte para sa kalinawan ng Korte Suprema. Inilahad ni Sereno na, ito na ang panahon para baguhin ang imahe ng ating hudikatura sa paglalahad ng mga opinyon ng wala pang malinaw na ebidensya. At dagdag pa ni Sereno, gusto niya na magkaroon ng bahagi ang publiko sa pagpapaunlad ng hudikatura.
Sa pagtatapos ng kanyang pananalita ay tumanggap siya ng mga katanungan mula sa mga kabilang sa media panel. Naging maayos naman ang pagtugon ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa mga katanungan.(straight news)


iskolar

JUNNEL GUNDAYAO MCT-2A



ISKOLAR

            Isa sa mga hinahabol ngayon ng mga mag-aaral lalong lalo na ang mga mahihirap na gustong makapagtapos sa kanilang pag-aaral ay ang mapabilang sa pagiging iskolar. Ano nga ba ang iskolar? Bakit maraming mga mag-aaral  ang naghahangad na mapabilang dito? Ano nga ba ang pakinabang na maiidulot nito sa mga mag-aaral?
            Ang salitang iskolar ay may malawak na kahulugan. Pero para  sakin, higit pa sa malawak ang kahulugan nito. Higit pa sa salitang maraming kahulugan. Dahil ang salitang ito? Ay nagbigay ng magandang kahulugan sa aking buhay. Di lamang sakin kundi sa iba rin. Ang pagiging isang ganito ay nanganaghulugan nagbibigay pag-asa sa bawat isa.
            Marami  sa mga kabataang mangangaral ngayon ang nag-aasam  na mapabilang sa pagiging iskolar. Dahil ang mapabilang sa pagiging iskolar ay nagbibigay ng malaking kapakinabangan sa isang mag-aaral na kagaya ko. Hindi lang sa mga mag-aaral nagbibigay ito ng pakinabang pati na rin sa ating mga magulang. Malaking kaginhawaan ang naiidulot nito sa bawat magulang na mayroong iskolar na anak. Bukod sa bawas gastos ay nagbibigay pa ito ng inspirasyon sa bawat isang iskolar na magpursige sa kanilang  pag-aaral.
            Pero ang pagiging iskolar ay may kaakibat na responsibilidad, nanganagilangan ito ng disiplina sa sarili.
ISKOLAR. Matunog sa marami, kaunti ang nakakakamit. Ang salitang ito ay may malaki ding pakinabang. Napakagaling hindi ba? May kahulugan na nga, may pakinabang pa. At meron pa itong, importansya. Sa bawat mag-aaral na napapabilang sa pagiging iskolar ay ating pagbutihin at huwag nating sayangin ang pagkakataong magkaroon ng ganitong biyaya.Kaya ating pasikapang mapanindigan ang pagkakabit sa ating pagkatao ang pagiging iskolar.

(FEATURED News)

Junnel Gundayao Mct-2A ,ARTICLE

GILAS LABAN KOREA

                Nagtagumpay ang Team Gilas sa laban nila sa kampo ng korea noong sabado Agosto, 2013 sa score na 86-79. Ginanap ang kanilang laro sa Mall of Asia Arena.
                Sa unang quarter ng laro ay lamang ang Korea sa Gilas sa puntos na 27-21 sa pangunguna Kim Joo-Sung ng Korea. Sa pagpapatuloy ng laro ay hindi nagkakalayo ang puntos ng Korea sa Gilas. Sa kagitnaan ng 2nd quarter ay nagtamo ng bali sa paa ang import ng Gilas na si Douhhit. Dahil sa pagka-injury ni Douthit ay malaking kawalan sa Gilas iyon. Kulang na sila sa depensa dahil sa malalaki ang kalaban. Hanggang sa matapos ang 2nd quarter ay patuloy pa rin ang lamang ng Korea kontra Gilas sa score na 39-36 sa pangunguna ni Kim Minggo ng Korea. Sa pagsapit ng 3rd quarter ay nag-iba ang ihip ng hangin, pumabor sa Gilas ang ikot ng bola sa sunod-sunod binitawan na puntos ng Gilas sa pangunguna nina Jayson Castro na ginamit ang kanyang bilis, si Ranidel De Ocampo at ang kanilang lang kapitan sa grupo na si Jimmy Alapag. Natapos ang  3rd quarter  na pabor sa Team Gilas sa score na 67-59. Nang magsimula na ang 4th quarter  ay naging mainit ang labanan ng dalawang grupo, ipinapakita nila na hindi magpapatalo ang bawat isa sa kanila. Naging dikit ang laban ng sa score na 74-73 sa pangunguna pa rin ng Gilas. Sa pagpapatuloy ng laban ay hindi na talaga pinagbigyan ng Gilas ang Korea sa pangunguna na naman ni Jayson Castro. Winakasan ng Gilas ang laro laban sa Korea sa Score na 86-79.

                Masaya sa pagkapanalo ang team ng Gilas laban sa Korea at kinabukasan ay isang laban nalang para makamit nila ang pagkakampyon sa Fiba Asia. (Straight News)